May Pera sa Bodega!!! Ows? Papano?

May Pera sa Bodega Facebook Group
May Pera sa Bodega Facebook Group

Karaniwan na sa ting mga Pinoy ang mag-sinop ng mga bagay-bagay sa bodega. Mga bagay na paborito, pinaglumaan, lumang regalo, may konting dipirensya, mga pamana ng mga magulang, lolo’t lola o ninuno… at kung anu-ano pang mg abubot na mahirap bitawan at kalimutan. May tinatawag tayong “sentimental value” na kaakibat ng mga gamit natin na nakadadagdag kung bakit hirap na hirap tayong bitawan ang mga ito kung kaya’t nauuwi ito sa bodega.

Minsan magugulat na lang tayo na mas mukhang bodega na pala yung kwarto natin dahil sa dami ng mga abubot na nandito

 

Yun nga lang, sa paglipas ng panahon… unti-unti naiipon at dumadami nang dumadami ang laman ng ating bodega. Minsan mas malaki pa ang espasyo ng ating bodega kesa sa ilang mas mahalagang espasyo sa ating bahay. Minsan magugulat na lang tayo na mas mukhang bodega na pala yung kwarto natin dahil sa dami ng mga abubot na nandito.

 

Kailangang Magbawas

Kaya sa ayaw mo at sa gusto, kailangan talagang magbawas!! … ng mga sobra-sobrang gamit sa bahay. Kailangang linisin ang bodega… pwedeng ibigay na lang ang mga ito sa mga taong maaaring nangangailangan ng mga ito. Pwedeng ibigay sa mga kaibigan, kapitbahay, kamag-anak, o mga kakilala. Sigurado, maraming matutuwa sayo!!

Mga abubot sa bodega mo, maaaring pinapangarap ng ibang tao… Bakit di mo na lang linisin, ayusin, at ibenta?? Luluwag na sa bodega…magkaka-cash kapa sa bulsa!!

O kaya pwede mo rin naman ibenta ito, lalo na sa internet. Ang mga abubot sa bodega mo… maaaring pinapangarap ng ibang tao. Kaya kesa sa umokupa lang ng espasyo at mangalap ng sangkatutak na alikabok sa bodega… bakit di mo na lang linisin, ayusin at ibenta?? Luluwag na sa bodega… magkaka-cash ka pa sa bulsa!!

 

 

Papano Ako Magsisimula?

Sa ngayon ay very accessible at affordable na ang teknolohiya. Isa sa mga pinaka aktibong users ng internet ang mga Pinoy, halos lahat yata ng miyembro ng pamilya, mula kay bunso hanggang kina lolo at lola, pati si yaya, ay may sariling Facebook account. Marami-rami na ring Pinoy ang nagbebenta at kumikita sa pamamagitan ng simpleng pag-post sa kanilang Facebook account ng mga paninda nila. Bukod dito, makakatulong din kung mag miyembro ka ng mga Facebook groups na may kinalaman sa buy & sell kagaya na lang ng Facebook group ng kliQads… May-Pera-Sa-Bodega.

Simple lang, mag-join sa mga FB groups at kapag miyembro kana, maari ka nang mag-post ng mga binebenta mo. Hindi na lamang ang mga friends mo ang makakaalam ng mga ibinebenta mo kundi pati na rin ang lahat ng mga miyembro ng FB group na sinalihan mo. Siguraduhin lang na susundin mo ang mga alituntunin ng mga grupong sasalihan mo para maiwasan ang problema. Halimbawa, hindi lahat ng FB groups ay ginawa para sa “buying and selling”  kung kaya iwasan magbenta sa ganitong mga groups, maaari kang itiwalag ng administrator kung malalabag mo ang mga simpleng patakaran kagaya nito.

Pwede mo rin makita ang mga items na binebenta ng ibang miyembro at makipag transaksyon kung swak sayo ang presyo ng item na natitipuhan mo. Siyempre kailangan palaging mag-iingat sa mga taong katransaksyon mo sa internet para di ka maloko.

libre… walang bayad… ang pag-post ng advertisements sa kliQads

 Mag-kliQads ka na!!

Bukod sa Facebook at iba pang social media, maaari ka ring magbenta sa mga buy and sell websites kagaya ng kliQads.com. Sadyang nakadisenyo ang website na ito para sa mga internet advertisements kung kaya magandang plataporma ito para sa buying and selling. Kailangan mo lang mag-register at kapag naverify na yung email address account mo, maaari ka nang mag-login at mag-post ng mga items na nais mong ibenta. Pwede mo ring ishare sa social media account mo yung mga item na ipinost mo sa kliQads. Siyempre, mas marami at malawak ang mararating ng ibinebenta mo kapag pinost mo ito sa mga websites kagaya ng kliQads.

kliQads.com - Buy & Sell and Free Internet Ads Website
kliQads.com – Buy & Sell and Free Internet Ads Website

Ang pinaka maganda pa rito, libre… walang bayad… ang pag-post ng advertisements sa kliQads.

Maaari ka ring makipag transaksyon sa ibang users ng kliQads kung sakaling may mga makita ka at matipuhang binebentang items dito. At kagaya rin sa FB at ibang websites, palaging mag-iingat sa pakikipagusap at pakikipagkasundo sa mga taong katransaksyon sa internet.

Halimbawa na lang, kung malaki na ang baby mo at wala ka nang balak magkaron pa ng susunod na baby… pwede mong ibenta na lang ang pinaglumaang crib kagaya na lang nito:

kliQads.com - Rocking Wooden Crib
Wooden Crib – P3,000 only

… o kagaya nitong Graco stroller-car seat na to:

Grace Stroller and Car Seat - P7,000 only
Graco Stroller and Car Seat – P7,000 only

Kumbinsido ka na ba?

Kumbinsido ka na ba? Kung curious ka… may duda man o wala, bakit di mo subukan? Wala namang mawawala. Kaya puntahan mo na ang bodega mo at baka may mga gamit diyan na maaaring maging pera. Luluwag na ang bodega, madadagdagan pa ang pera sa bulsa. Baka may luma kang gitara o keyboard na wala nang gumagamit, pinaglumaang bisikleta o laruan, basketball, damit, maleta, rice cooker, microwave oven at kung anu-ano pa… Tignan mo… pag-isipan mo… at malamang… may pera nga sa bodega!!!

Please follow and like us: